Nagulat ang isang lolo at ang kaniyang anak matapos pumasok ang isang bayawak sa loob ng kanilang kuwarto habang sila ay natutulog sa Thailand.
Sa ulat ng 24 Oras, mapapanood sa isang video ang bayawak na biglang pumasok sa kuwarto at unti-unting nilapitan ang lolo.
Nakita naman ito ng anak niyang babae na sinipa ang bayawak.
Sa huli, tumakbo palayo ang bayawak habang walang nasaktan sa mag-ama.
Pagkain ng mga Asian water monitor lizard ang isda, ahas, palaka, at mga tirang pagkain ng mga tao.
Nagiging agresibo sila sa tuwing nakararamdam ng banta, at nakalalason din ang kanilang kagat.—Jamil Santos/AOL, GMA Integrated News
