Isinilang na kakaiba ang isang kambing na mayroong anim na paa at dalawang ari sa San Nicolas, Ilocos Norte.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, sinabing maliit ang dalawang paa ng kambing.

Malusog na ipinanganak ang kambing, ngunit hirap itong maglakad.

Ayon sa provincial veterinary office, nangyayari ito kapag nagaganap ang abnormality sa pagbubuntis ng inang kambing. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News