Kinagiliwan ang isang Shih Tzu na todo sa pag-emote matapos hindi mapansin ng kaniyang paboritong lola sa Pulilan, Bulacan.
Sa ulat ng Balitanghali nitong Martes, itinampok ang asong si Usher na pa-emote-emote na lang nang hindi mapansin ng kaniyang lolang kararating lang ng bahay.
Nag-stretch pa si Usher na tila nasa isang madramang pelikula.
Kaunting buhat at lambing lamang ang kailangan para suyuin si Usher.—Jamil Santos/AOL, GMA Integrated News