Napa-"Oh my God" ang mga guro na nakasakay sa isang bangka nang makita nila ang dalawang malaking buwaya na nakasalubong nila sa ilog sa Barangay Rabos sa Balabac, Palawan.Sa ulat ng GMA Integrated Newsfeed, makikita sa video na napakapit nang mahigpit ang nasa unahan ng bangka nang matanaw na nila na may buwayang nakatambay sa kanilang dadaanan.Pauwi na umano noon ang limang guro sa mainland matapos dumalo sa closing rites ng isang eskuwelahan.Nang matapat na sila sa dalawang buwaya, doon na nila nakita kung gaano kalaki ang mga ito na halos dumikit na sa kanilang bangka.Sa kabutihang palad, ligtas na nakauwi ang mga guro.Pero ang isang lalaki sa Sofrinio Espanola sa Palawan din, minalas na makagat ng buwaya sa binti at likod habang nanghuhuli ng hipon sa Tagumagas River.Patuloy siyang nagpapagaling sa tinamo niyang mga sugat.Nagpaalala ang Palawan Council for Sustainable Development, na breeding season ngayon ng mga buwaya kaya mas agresibo ang mga ito.Pinayuhan din ang residente na huwag tumawid at lumusong sa ilog kapag dapithapon hanggang madaling araw na oras umano na naghahanap ng pagkain ang mga buwaya. -- FRJ, GMA Integrated News