Hindi na nakatakas sa pulisya, nag-agaw buhay pa ang isang 40-anyos na lalaki matapos niyang lunukin ang isang supot na naglalaman ng 100 piraso ng methamphetamine pills sa Bang Phli, Thailand.Sa ulat ng GMA Integrated Newsfeed, mapanonood ang video ng Bang Phli Police Station nang habulin nila sa highway ang 40-anyos na lalaki na biglang humarurot nang makita sila."While I was on patrol with my partner, we noticed a sedan parked suspiciously on the side of the road. As we approached, the driver suddenly sped off. We gave chase and caught up," sabi ni Police Sergeant Major Paphawin Damuang ng Bang Phli Police.Naipit sa traffic ang lalaki, kaya lumabas siya sa sasakyan saka tumakbo habang dala ang isang supot na kinalaunan ay isinubo niya, nginuya at nilunok.Pinipilit pa ng mga pulis na ipaluwa sa lalaki ang supot na isinubo nito.Ilang saglit lang, nagkombulsyon ang lalaki at nawalan ng malay, na nahagip sa body cam footage ng isang pulis.Napag-alaman na may laman ang supot na 100 piraso ng methamphetamine pills, isang ilegal na droga na nagsisilbing stimulant."His condition quickly worsened, and we had to call an ambulance to rush him to the hospital. A background check later revealed he had four prior drug-related charges," sabi ni Damuang.Binigyan ng paunang lunas sa lalaki habang hinihintay ang emergency rescuers. Nang dumating ang ambulansiya, dinala na siya sa ospital.Sa ospital na narekober ng mga doktor ang supot na may durog-durog nang tabletas.Nag-agaw-buhay noon ang suspek ngunit nakarekober siya at nakatakdang humarap sa patong-patong na kaso. -- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News