Sa ulat ng GMA Regional TV One Western Visayas, mapanonood ang video ng netizen na si Jean Rose Talaman kung saan sumampa sa balikat ng isang lalaki ang bride, suot ang kaniyang wedding gown sa Barangay Nueva Invencion.
Sa ulat ni Julius Belaca-Ol ng GMA Regional TV, sinabing mahigit 32,000 pamilya o hindi bababa sa 116,000 indibidwal ang apektado ng malawakang pagbaha sa Western Visayas noong Oktubre 18.
Ayon sa Office of Civil Defense (OCD) 6, pinaka-apektado ang Lalawigan ng Capiz na may mahigit 19,000 pamilya o mahigit 72,000 indibidwal.
Hindi bababa sa tatlong tao ang naiulat na nasawi.
Sa Roxas City, binaha ang mga pangunahing kalsada at ilang bahay kung saan mahigit 1,000 pamilya o 3,709 indibidwal ang apektado.
Nagdulot ng malalakas na pag-ulan at matinding pagbaha ang Tropical Storm Ramil noong Sabado. —Jamil Santos/ VAL GMA Integrated News
