Naipasubasta sa halagang $12 milyon o katumbas ng mahigit P700 milyon ang isang 18-karat gold na inidoro na obra sa Amerika ng isang Italian satirical artist.
Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, sinabing obra ng Italian satirical artist na si Maurizio Cattelan ang ginintuang inodoro.
Mahigit 100 kilo ang bigat nito at fully functional o puwedeng gamitin.
Ayon kay Cattelan, tinatalakay nito ang konsepto ng yaman at halaga.
Lalong naging maugong ang obrang Amerika matapos manakaw ang isang bersiyon nito noong 2019 at hindi na nabawi pa.—Jamil Santos/AOL GMA Integrated News
