Ipinakita ni Heart Evangelista na puwedeng puwedeng ganapin ang fashion week mula sa mga damit sa ukay ukay nang gamitin niya ang mga produkto ng Sorsogon.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Martes, sinabing miss na ni Heart ang pagdalo sa mga fashion week kaya dinala niya na lang ito sa naturang lalawigan.

ADVERTISEMENT

Sa pamamagitan ng pagmi-mix and match sa ukay-ukay, itinampok nina Heart at ng kaniyang mga kaibigan ang iba't ibang klaseng style pero affordable naman na mga look.

– Jamil Santos/RC, GMA News