Ipinakita na ni Solenn Heussaff sa unang pagkakataon ang mukha ng ikalawang baby nila ni Nico Bolzico na si Maëlys Lionel.

Sa kaniyang Instagram, na mapapanood din sa Unang Balita nitong Martes, makikita ang cute na ngiti ni Baby Maelys sa harap ng camera.

“Always making us smile Maëlys [heart emoji]” caption ni Solenn sa video.

ADVERTISEMENT

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Solenn Heussaff (@solenn)

 

“Lionel! [heart emoji]” sabi naman ni Nico sa comments section.

Isinilang ni Solenn si Maëlys noong Disyembre. Mayroon siyang ate, ang tatlong taong gulang na si Thylane.-- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News