Evicted na sina Vince Maristela at Xyriel Manabat sa “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition.”

Kasama sila sa 10 na mga housemate na nominado noong nakaraang linggo matapos mabigong manalo sa dalawang Big Intensity Challenges, kung saan nanalo naman sina AZ Martinez, Shuvee Etrata, Ralph De Leon, at Esnyr.

Ilan sa mga Kapuso housemates na nominado sina Dustin Yu, Mika Salamanca, Charlie Fleming, at Will Ashley, habang nominado naman ang mga Kapamilya housemate na sina River Joseph, Bianca De Vera, Klarisse De Guzman, at Brent Manalo.

Nagkaroon din ng pagkakataon ang fans na bumoto para sa iisang housemate lamang.

Nakuha ni Vince ang pinakamababang percentage ng mga boto sa Kapuso housemates na 9.26%, habang si Xyriel naman ang nakakuha ng pinakamababang percentage ng mga boto sa Kapamilya housemates, na 4.06%.

Narito ang mga percentage ng mga boto na natanggap ng mga nominadong housemate.

Kapuso:

  • Charlie Fleming - 10.35%
  • Dustin Yu - 25.20%
  • Mika Salamanca - 22.10%
  • Vince Maristela - 9.26%
  • Will Ashley - 33.09%

Kapamilya:

  • Bianca De Vera - 30.49%
  • Brent Manalo - 32.05%
  • Klarisse De Guzman - 19.58%
  • River Joseph - 13.83%
  • Xyriel Manabat - 4.06%

Napanonood ang mga bagong episode ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition” sa GMA Network tuwing weekdays ng 10 p.m. at weekends ng 6:15 p.m. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News