Itinanggi ni Gerald Anderson ang mga haka-haka na hiwalay na sila ni Julia Barretto.
Sa latest episode ng "Toni Talks" sa YouTube na bisita si Gerald, tiniyak ng aktor na sila pa rin ni Julia.
"No, we're okay," pahayag ni Gerald kay Toni Gonzaga, para itinanggi ang breakup rumors.
Sinabi pa ni Gerald na inihatid pa niya nang araw na iyon si Julia sa airport.
“Pupunta sila sa Dubai, kaya nga napaaga ako," dagdag niya.
Ibinahagi rin ni Gerald ang positive influence ni Julia sa kaniyang buhay.
“Si Julia is very mapagmahal, very motherly, manang mana siya kay Tita Marj [Marjorie Barretto], 'yung mommy niya,” anang aktor.
“'Yung values na meron siya, 'yung love na binibigay niya, 'yung support na binibigay niya, it inspires me to be better and give 'yung 100 percent ko and 'yung best version ko,” sabi pa ni Gerald.
Aminado si Gerald na may "bumps in the road" sa kanilang relasyon pero minsan ay nakakatulong umano para lalong lumakas ang relasyon nila.
Kinumpirma ng dalawa ang kanilang relasyon noong 2021, dalawang taon matapos nilang itanggi na sangkot si Julia sa hiwalayan nina Gerald at Bea Alonzo noong 2019.
Sa panayam, sinabi ni Gerald na hindi siya ang tao na sinasabi ang lahat sa media.
"Kasi your opening up so many doors sa negativity and other people na may masabi lang," paliwanag niya.
"If kaya kong ayusin behind closed door, privately, kausapin ko kung sino yung dapat kong kausapin, that will be the best way to do it," dagdag niya.
Panoorin sa video ang buong panayam kay Gerald sa Toni Talks. — mula sa ulat ni Hermes Joy Tunac/FRJ, GMA Integrated News

