Natagpuan ang isang bangkay ng lalaki sa ilog sa Barangay Santa Filomena sa Calanasan, Apayao. Ang kaniyang motorsiklo, nakita naman sa ibang barangay.

Sa ulat ng Balitanghali nitong Martes, sinabing natagpuan naman ang motorsiklo ng lalaki sa bahagi ng isa pang barangay samantalang nasa tabi ng tulay nakita ang kaniyang cellphone.

Ayon sa pulisya, huling nakita ang biktima na nakikipag-inuman nitong Biyernes.

Patuloy na inaalam ang sanhi ng pagkamatay ng lalaki, habang ipatatawag din ng pulisya ang mga nakainuman ng lalaki.—Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News