Dahil sa kanilang closeness na nasaksihan ng viewers sa "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition," maraming fans ang lumipat kina Ralph De Leon at AZ Martinez na tinawag na “AzRalph.” May balak kayang ligawan ng aktor ang Sparkle actress?
Sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Huwebes, tinanong ni Tito Boy si Ralph tungkol sa estado nila ngayon ni AZ.
Ayon kay Ralph, “very good friends” sila ngayon ng aktres.
Patanong na nilinaw ni Tito Boy kung may namumuo bang pag-iibigan sa pagitan nilang dalawa.
"Wala pa naman po,” sabi ni Ralph.
Tungkol naman sa kung may plano siyang ligawan ang aktres, tugon ng binate, “As of now, I can't say po talaga. Let's see.”
Second big placer ang duo nina Ralph at Will Ashley, na mas kilala bilang “RaWi” noong Big Night, habang fourth big placer naman sina AZ at ka-duo niyang si River Joseph, na tinawag bilang “AZVer.”
Muling magsasama-sama ang 20 housemates sa "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition" sa isang event na tinawag na "The Big ColLOVE" fancon sa August 10, sa ganap na 8 p.m., sa Smart Araneta Coliseum.
Magkakaroon din ng season 2 ang "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition." – FRJ, GMA Integrated News
