Muling gumawa ng ingay ang Filipino-American singer na si Jessica Sanchez na nakakuha ng Golden Buzzer sa kaniyang pagbabalik-audition sa “America’s Got Talent,” na una niyang sinalihan noong 10-taong-gulang lang siya at umabot sa semifinals.

“I did get eliminated, it was devastating. But it really did help me realize, like I wanna sing. ‘AGT’ was the beginning of that fire sparked inside of me,” sabi ni Jessica sa mga hurado bago ang kaniyang performance sa kaniyang pagbabalik pagkaraan ng 20 taon.

Ayon kay Jessica, nawala ang kaniyang pag-ibig sa musika sa paglipas ng mga taon.

“I was really young and I was so swayed by what everybody wanted me to be, who they wanted me to be. Maybe it took me 20 years but I know exactly who I am, I know exactly what I want. I’m excited to be back,” saad niya.

Inihayag din ni Jessica sa programa na may asawa na siya at natuklasan niya lang kamakailan na buntis siya sa una nilang anak.

Inawit ni Jessica ang isang rendition ng "Beautiful Things" ni Benson Boone na may kasamang live band. Napahanga ang fans at judges sa kaniyang performance na binigyan siya ng standing ovation.

Sinabi ng judge na si Simon Cowell na mahal ng audience si Jessica.

Ayon naman kay Howie Mandel, “worth the wait” ang 20 taon.

“I love that song and you made this song your own and you blew the roof off the place. You are so wonderful,” sabi ni Howie kay Jessica.

Sabi naman ni Mel B kay Jessica, “Jessica, I’m speechless. You’ve got the voice of a bloody angel. Beautiful. I’m lost for words.”

Ayon kay Sofia Vergara, “something very special happened on the stage with you.” Dagdag niya, ang 20-taong paghihintay ni Jessica ay nakatadhana para makabalik siya sa “AGT” stage.

“This was a special moment and I think that you deserve this,” sabi ni Sofia, saka tumayo para ibigay kay Jessica ang Golden Buzzer. Pagkatapos nito, nagyakapan ang dalawa sa entablado habang umiiyak si Jessica.

Dahil sa Golden Buzzer, didiretso na si Jessica sa live shows at hindi na dadaan sa iba pang audition.

"She sang the way she did and you deserve it," sabi ni Sofia sa backstage.

Sabi ni Simon, “To succeed, you gotta have grit, determination, and talent. All those years of really wanting something and just going for it, it was like, powerful right.”

“You’re an absolute star,” dagdag niya.

Sumikat si Jessica bilang runner-up sa "American Idol" Season 11.

Mula noon, gumanap siya sa "Glee," at nagtanghal pa sa mga concert at iba't ibang event. Noong 2023, nasa Pilipinas siya para magtanghal sa Miss Universe Philippines coronation night. -- Nika Roque/Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News