Inihayag nina Barbie Forteza at Maris Racal ang hangarin na magkasama sila sa isang proyekto. Anong tema kaya ng proyekto ang bagay sa kanila?

Sa X, nakita ni Maris ang pagsuporta ni Barbie sa kaniyang bagong movie at ni-repost ang screenshot ng larawan nila nang magkasama sa isang Netflix digital show noong nakaraang taon.

"Barbie what if… work tayo," saad ni Maris.

Tumugon naman ang Kapuso Primetime Princess na interesado ring makatrabaho si Maris.

"What if... game," sagot ni Barbie, na bida sa Kapuso series na "Beauty Empire" na napapanood tuwing Lunes hanggang Huwebes sa ganap na 9:35 p.m., at napapanood din sa Viu.

 

 

Kasama sa naturang series sina Kyline Alcantara, Ruffa Gutierrez, South Korean actor Choi Bo Min, at maraming pang iba.

May pelikula rin si Barbie na "P77," o Penthouse 77, na mapapanood sa mga sinehan simula sa July 30.—mula sa ulat ni Jade Veronique Yap/FRJ GMA Integrated News