Tinawag ni Derek Ramsay na kasinungalingan ang kumakalat na post sa social media na may kaugnayan sa kaniyang pamilya.

Sa Instagram Stories, ibinahagi ng aktor ang screenshot ng isang Facebook post na nagsasaad umano ng DNA test ng anak nila ni Ellen Adarna.

Sa caption, may mensahe si Derek sa may-ari ng naturang FB account na nag-post ng umano’y DNA test.

"Stop spreading lies about my family!" giit ni Derek. "Lily is my daughter, and Ellen is a loyal wife!"

"I don't know how you can sleep at night spreading lies like this!" saad pa ng aktor.

 

 

Ikinasal sina Derek at Ellen noong 2021, at isinilang ang kanilang anak noong nakaarang taon.

Mayroon din isang anak si Derek sa dati nitong karelasyon, at may isa ring anak si Ellen sa dati nitong nobyo na si John Lloyd Cruz. — mula sa ulat ni Hermes Joy Tunac/FRJ GMA Integrated News