Isinilang na ni Coleen Garcia ang bagong miyembro ng lumalaking pamilya nila ni Billy Crawford.
Sa Instagram, ibinahagi ni Coleen na isinilang na niya ang ikalawang baby boy nila ni Billy, at nag-post ang aktres ng mga larawan at video habang nasa ospital sila.
Inilahad din ng aktres na binalak niya noong una na magsilang sa paraan ng water birth sa ospital, pero naging mabilis umano ang mga pangyayari.
"It all happened so fast—I was supposed to get an IE (internal examination), dim the lights, play some music, soak in the tub... Instead, I gave birth like two minutes after entering the delivery room," saad ni Coleen.
Ayon pa kay Coleen, naglalakad pa lang siya patungo sa kama matapos bumaba mula sa wheelchair ay nakaramdaman siya na kailangan niya ng “push.”
"I did once, just a little, for relief—until I felt his head coming out. I had to stop mid-push and say the baby was coming! My mom quickly got down to check, and true enough, part of his head was already out!" pagbahagi niya.
"On the next push, he slipped out so quickly that she was the one who caught him! In just two quick, silent, and surprisingly painless pushes, he was born EN CAUL(!) straight into her arms," dagdag pa ni Coleen.
Papangalan nilang Austin ang bago nilang baby. Amari ang pangalan ng kanilang panganay na isinilang noong 2020, dalawang taon matapos silang ikasal ni Billy noong 2018. —FRJ GMA Integrated News

