Inihayag ng South Korean actor na si Sung Hoon na gusto niyang makatrabaho ang ilang Pinoy celebrities, gaya nina Marian at Alden Richards.

“If you have a chance to work with Filipino actors, who would you want to work with?” tanong ni Tito Boy kay Sung Hoon sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Miyerkoles.

“Alden Richards, Marian Rivera,” tugon ng South Korean actor.

"Basta mabigyan daw po siya ng opportunity, open po siya to work kasi narinig niya po na Philippine actors and actresses, very hardworking, very good, very passionate," sabi ng interpreter ni Sung Hoon.

Naging swimming athlete rin si Sung Hoon noong bata pa. Nang mag-quit, dito niya naisipang maging isang aktor.

Nag-guest din si Sung Hoon sa Unang Hirit nitong Miyerkoles at nagluto ng Korean beef stew.

Napanood si Sung Hoon sa South Korean series na “My Secret Romance,” “Perfect Marriage Revenge,” at “Oh My Venus.” – FRJ GMA Integrated News