Kaisa ng mga Pilipino ang mga celebrity at personalidad na nagpahayag ng kanilang galit at nanawagan na dapat may managot sa nagaganap na pangongurakot umano sa pondo ng bayan, partikular sa usapin ng flood control projects sa bansa.

Nitong Linggo, dumalo ang mga celebrity at personalidad sa mga pagtitipon sa Luneta Park at EDSA People Power Monument upang kondenahin ang katiwalian sa gobyerno, at pagwawaldas sa kinokolektang buwis mula sa mga manggagawa, kabilang ang mga artista.

 

 

Tinawag na "Baha sa Luneta: Aksyon na Laban sa Korapsyon" ang pagtitipon sa Rizal Park, Manila, at "Trillion Peso March" naman sa EDSA People Power Monument.

Ilan sa mga artistang naging “raliyista” ay sina:

  •     Vice Ganda
  •     Anne Curtis
  •     Jasmine Curtis-Smith
  •     Donny Pangilinan
  •     Darren Espanto
  •     Cristine Reyes
  •     Jackie Gonzaga
  •     Ion Perez
  •     Elijah Canlas
  •     Angel Aquino
  •     Pura Luka Vega
  •     Tessie Tomas
  •     Jodi Sta. Maria
  •     Andrea Brillantes
  •     Maris Racal
  •     Christian Antolin
  •     Marjorie Barretto
  •     Leon Barretto
  •     Anthony Pangilinan
  •     Gardo Versoza
  •     Alex Medina
  •     Iza Calzado
  •     Gabbi Garcia
  •     Khalil Ramos
  •     Catriona Gray
  •     Nicole Cordoves
  •     Paolo Benjamin
  •     Miguel Benjamin
  •     Agnes Reoma
  •     Pat Lasaten
  •     Mika Salamanca
  •     Rhian Ramos
  •     Raheel Bhyria
  •     David Licauco
  •     Julia Barretto
  •     Sassa Gurl
  •     Therese Malvar
  •     Brent Valdez
  •     Beatrice Gomez
  •     Thea Astley
  •     Aira Lopez

Pero hindi lang sa kalsada ipinarinig ng mga celebrity ang kanilang hinaing laban sa katiwalian kung hindi maging sa social media, gaya ng ginawa nina Jennylyn Mercado, Ruru Madrid, Bianca Umali, at Angel Locsin,

--- mula sa ulat ni Hermes Joy Tunac/FRJ GMA Integrated News