Binisita ng fans ang musoleo ni National Artist Fernando Poe Jr. at kaniyang asawang si Susan Roces sa Manila North Cemetery ilang araw bago mag-Undas.

Sa ulat ng Saksi nitong Miyerkoles, makikita ang ilan nilang tagahanga na nagpalitrato sa gate ng mausoleo. May tarpaulin din sa harap kung saan makikita ang portrait nilang mag-asawa.

Sa ibaba nito makikita ang mga QR code na kapag ini-scan, mapanonood ang video tribute para sa namayapang Hari at Reyna ng Pelikulang Pilipino. — Jamil Santos/VBL GMA Integrated News