Plano na nina EA Guzman at Shaira Diaz na makabuo ng sarili nilang pamilya sa susunod na taon.

Sa ulat ni Bea Pinlac s "24 Oras Weekend" nitong Linggo, inihayag ng Kapuso couple na umaasa silang mabibiyayaan na sila ng anak sa susunod na taon.

"Planning to have a baby. But no pressure. Kung ibibigay ni Lord, 'di ba? Pero 'yun talaga ang goal namin. To have a baby this coming 2026," sabi ni EA.

"Our very own bundle of joy. Sana," dagdag naman ni Shaira.

Nitong nakaraang Agosto ikinasal sina Shaira at EA sa isang simbahan sa Cavite. Taong 2021 naging engaged ang dalawa pero isinapubliko lang nila noong 2024.

Sa Switzerland napili ng dalawa na mag-honeymoon. (Basahin: EA Guzman sa unang gabi nila ni Shaira Diaz bilang mag-asawa: ‘Tinulugan ako’)

Ayon kay Shaira, napagkasunduan nila ni EA na magpapakasal sila kapag nakapagtapos na ng kolehiyo ang aktres at tv host na kaniya namang nagawa noong Agosto 2024. —FRJ GMA Integrated News