Magiging hitik sa aksyon, misteryo, at drama ang listahan ng mga programang aabangan sa GMA Primetime at Afternoon Prime ngayong 2026.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News 24 Oras nitong Huwebes, sinabing pangungunahan ito ni Dingdong Dantes sa action series na “Master Cutter.”

Kasama rito sina Paolo Contis, Max Collins, Jo Berry, Shuvee Etrata, Charlie Flemming, at child star na si Sienna Stevens.

Magsasama naman sa unang pagkakataon sina Jillian Ward at David Licaoco sa isa pang action series na “Never Say Die,” kasama sina Jisoo, Raheel Bhyria, Angelu de Leon, at Raymart Santiago.

Mystery at intrigue naman babalot sa "The Secrets of Hotel 88," na pagbibidahan ng mga dating housemates sa unang “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition.”

Kinabibilangan ito nina Mika Salamanca, Brent Manalo, AZ Martinez, Ralph de Leon, River Joseph, Klarisse De Guzman, Esnyr, Xyriel Manabat, Josh Ford, Kira Balinger, Dustin Yu, Bianca de Vera, at Will Ashley.

Kasama rin sa GMA Prime’s lineup ang medical drama na "Code Gray," na pagbibidahan ni Alden Richards. Nandiyan din ang "Hari ng Tondo" ni Ruru Madrid, pati na ang "Firewall," at "Whispers from Heaven."

Tuloy-tuloy pa rin na mapapanood ang mga aksyon mula sa "Encantadia Chronicles: Sang'gre."

Matitinding drama naman ang masasaksihan sa listahan ng GMA Afternoon Prime na kabibilangan ng "House of Lies" nina Beauty Gonzalez at Kris Bernal, kasama rin sina Martin del Rosario at Mike Tan.

Music and rivalry naman ang matutunghayan sa “Born to Shine" na pangungunahan nina Zephanie, Olive May, at Michael Sager.

Habang psychological drama thriller naman ang “Apoy sa Dugo,” na bida sina Elle Villanueva, Derrick Monasterio at Ashley Ortega.

Kukumpleto sa GMA Afternoon Prime lineup ang "A Mother's Tale."

Patuloy namang magpapasaya ang "The Boobay and Tekla Show on the Go!," habang may bagong programa rin na "The People Have Spoken.” Magbabalik naman ang "The Voice Kids 2026" at "Stars on the Floor."

May mga pelikula rin na aabangan sa mga sinehan gaya ng "58th," isang animated documentary film na patungkol sa mga biktima ng Maguindanao massacre.

Kasama rin ang "Ella Arcangel," isang animated film adaptation na base sa acclaimed 2017 comic book series ni Julius Villanueva.

At ang horror movie na "Huwag Kang Titingin," na pagbibidahan nina Sofia Pablo, Allen Ansay, Marco Masa, Michael Sager, Sean Lucas, Kira Balinger, Josh Ford, Anthony Constantino, Charlie Fleming, Shuvee Etrata, at Sherilyn Reyes. – FRJ GMA Integrated News