Boto raw si Rodjun Cruz kay Janine Gutierrez para sa kanyang nakababatang kapatid na si Rayver Cruz.

Ngunit nilinaw ng Kapuso hunk na magkaibigan lang ang kaniyang kapatid at ang co-star niya sa afternoon drama series na "Legally Blind."

Sabi ni Rodjun sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Hindi po, friends po, friends.

“Basta sobrang saya nila, happy naman, lumalabas sila.”

Pero inamin din ni Rodjun na matutuwa siya kung sakaling magkaroon nga ng relasyon ang dalawa.

“Oo naman! Kasi pareho silang… bukod sa maganda tsaka guwapo, pareho silang mabait ang puso.

“So, bagay talaga yung mga ganung tao,” sabi niya.

Matagal na raw walang karelasyon si Rayver at tiyempo pang kasama ni Rodjun sa show si Janine.

“Ang galing nga, e! Parang ano talaga… sana, sana,” asam ng aktor.

Magiging masaya raw si Rodjun kung magkakaroon muli ng girlfriend si Rayver.

Nilinaw din ng aktor na hindi siya ang naging tulay para magkakilala sina Rayver at Janine.

“Magkakilala na po sila before yung sa movie, may movie sila na ginawa nun, kasama rin si Ate Lot,” paliwanag ni Rodjun. -- For the full story, visit PEP.ph