Na-hulicam sa Juan Luna St. sa harapan ng Lakandula High School sa Tondo ang isang babae na sa una'y aakalaing susundo lang ng estudyante.
Pero paghalo niya sa mga tao, isang mag-aaral ang kanyang dinikitan, mistulang may dinukot saka mabilis na umalis.
Pahayag ni Lourdes Guttierez, kapitan ng Barangay Gagalangin, Tondo, Maynila, "Nu'ng napansin ni X-O na lumapit 'yung isang naka-blue na babae sa estudyante, pagkatapos [niya] kumalas agad, sabi ni X-O, 'O teka muna, mukhang dinukutan 'yung bata.'"
Agad namang nadampot ang 31 gulang na si Rowena Dela Cruz Barreira, tubong Isla Puting Bato, Tondo, Maynila.
Nakuha ang cellphone sa suspek na tumangging mag komento. —JST, GMA News
