Sa isang pamilya na isang kahig, isang tuka, mahirap na kung ang isang miyembro ng pamilya ang magkaroon ng malubhang sakit. Pero papaano pa kaya kung ang mismong ina ng tahanan ay biglang nabulag at kailangan pang alagaan ang dalawa niyang anak?
Kaya naman ang kanilang padre de pamilya, hindi maiwasang isipin na isinumpa siya dahil sa nangyari sa kaniyang asawa at mga anak. Tunghayan ang matindang kalbaryong araw-araw na hinaharap ng pamilya Alforo sa isla ng Talicud sa Davao del Norte sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."
Click here for more GMA Public Affairs videos
--FRJ, GMA news
