Ang mga kasambahay na sina Janice, Beverly at Rowel ang pinakabagong milyonaryo matapos nilang makuha ang mega jackpot sa "Wowowin" na naglalaman ng house and lot, bagong kotse at P1 milyon. Pero papaano kaya nila paghahatian ang kanilang napanalunan? Panoorin sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."
Sa pagtutok na ng "KMJS," alamin din ang kuwento ng buhay ng tatlong kasambahay na inaasahang magbabago sa tulong ng premyong mula sa segment na "Pera o Kahon" ng "Wowowin."
Si Rowel, napag-alaman na pumayag na maging kasambahay upang makapagpatuloy ng kaniyang pag-aaral.
--FRJ, GMA News
