Patuloy ang isinasagawang vigil ng mga tagasuporta ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa labas ng Korte Suprema ilang oras bago pagbotohan ang quo warranto petition na magpapatalsik sa punong mahistrado.
LOOK: Daan daang supporters ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno, nagpalipas ng magdamag sa labas ng Korte Suprema @dzbb pic.twitter.com/4CgV0ihpg6
— Luisito Santos (@luisitosantos03) May 10, 2018
Nagsama-sama dito sa bahagi ng Padre Faura Street ang iba't-ibang Catholic groups, evangelical groups, mga grupo ng magsasaka at maging pamilya ng ilang biktima umano ng extrajudicial killings.
Iisa ang hiling ng mga narito ngayon -- ang maibasura ang quo warranto case laban kay Sereno.
Ayon sa isa sa mga taga suporta ni Sereno na si Thor Remoblas, tanging impeachment lang ang maaring makapagpatanggal kay Sereno sa pwesto dahil maaari lang gamitin ang quo warranto petition kung isang taon pa lang nanunungkulan ang isang opisyal na nais alisin sa pwesto.
Ayon naman kay Sr. Teresita Alo, ang laban na ito ay hindi lamang para kay Sereno -- kundi laban upang tuldukan ang diktaturya.
Nangangamba rin si Alo -- na mawawala ang check and balance kung matatanggal din sa pwesto ang chief justice.
Sa katunayan, kahapon pa nandito ang nga taga suporta ni Sereno na karamihan mga kabataan at grupong Dasal at Ayuno, noong May 1 pa nagsasagawa ng fasting dito.
LOOK: Binarikadahan na ng mga tauhan ng MPD ang Padre Faura St. malapit sa Supreme Court; mas mahigpit na seguridad ipinatutupad @dzbb pic.twitter.com/n2z4PaM53B
— Luisito Santos (@luisitosantos03) May 10, 2018
Ayon sa mga grupo, ang kasong ito ay malinaw na pag-kontrol ng Pangulo sa hudikatura -- bagay na hindi kailanman dapat mangyari.
Kagabi -- isinara na sa mga motorista ang Padre Faura -- at may mga taga-MPD din dito sa lugar upang siguruhing magiging payapa ang sitwasyon dito sa buong araw. — BAP, GMA News
