Pagdating sa pagiging "hot," hindi papatalo si Pambansang Bae Alden Richards na looking fit at toned ngayon sa kaniyang pinakabagong photo shoot.
Sa ulat ni Cata Tibayan sa GMA News "Balitanghali" nitong Martes, sinabing proud si Alden na ipinakita ang pinaghirapan niyang biceps.
Umani naman ang kaniyang larawan ng likes at comments mula sa fans at kaniyang kapwa celebrities.
Kuha ito ng celebrity photographer na si Mark Nicdao para sa taunang 100 Most Beautiful ng Yes! Magazine.
Bibida si Alden sa bagong primetime Kapuso fantaserye na "Victor Magtanggol."-- Jamil Santos/FRJ, GMA News
