Nag-viral kamakailan sa social media ang larawan ng magbibinatog na si Tatay Pido nang tumilapon sa kalsada ang kaniyang paninda matapos na mabangga at takbuhan ng isang tricycle driver. Marami ang naawa sa sinapit ng matanda at umasa na makamit sana niya ang hustisya at mapanagot ang drayber.
Sa ginawang pagsasaliksik ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," natunton ng programa si Tatay Pido sa Sta. Cruz, Maynila at dito ay nalaman kung gaano siya kadakilang ama at lolo na nagsasakripisyo na magtrabaho ng marangal para matustusan ang pamilyang naiwan niya sa Pangasinan.
Alamin ang buhay ni "Mamang Binatog" at ang ginawang paghaharap sa tricycle driver na nakadisgrasya sa kaniya sa video na ito ng "KMJS."
Click here for more GMA Public Affairs videos
--FRJ, GMA News
