Malaking responsibilidad, hindi lamang para kay Alden Richards, kundi para sa lahat ng cast ng "Victor Magtanggol" ang naturang show.

Bilang isa sa mga cast members, paano hina-handle ni Janine Gutierrez ang responsibilidad at ang pressure?

“Oh my gosh, talagang ninenerbiyos ako talaga dati, as in! Mamatay-matay,” at tumawa ang Kapuso actress.

“Pero nung nagsimula na kami, ramdam ko talaga yung alaga ng GMA sa project na ito. Talagang pinaghandaan, inaalagaan.

“And even na makatrabaho ko si Direk Dom, sobrang na-starstruck ako, kinakabahan talaga ako!

“As in nung mga unang taping, parang nawawala yung mga linya ko, ‘Ano ba’ng nangyayari sa akin?’

“Kasi dati kasi, siya yung palaging director ni Uncle Richard [Gutierrez].

“At alam ko yun, palagi kong naririnig, ‘Direk Dom, Direk Dom.’

“Tapos favorite siya ng lahat, ganyan at lahat ng show na yun pinanood ko dati, nung hindi pa ako nag-aartista.

Maraming shows si Richard Gutierrez na si Dominic Zapata ang direktor noong nasa GMA pa siya.

Si Richard ay tiyuhin ni Janine; kapatid ito sa ama ng ama ni Janine na si Ramon Christopher.

Kuwento pa ni Janine: “Tapos nung dumating ako sa set, parang, ‘Oh my gosh, this is it!’

“Na makakatrabaho ko na si Direk Dom, ito yung pinakamalaking show ng GMA, parang, ‘Oh my gosh, paano ako nakaabot dito?’

“So dun ko talaga naramdaman yung pressure and excitement din na parang feeling ko nag-full circle ako kasi dati ito lang yung inaabangan ko gabi-gabi, ngayon makakasali na ako.

“Iyon, yun lang.”

At ito rin so far ang biggest project ni Alden sa primetime ng GMA-7.

“Yeah iyon, so yun, very supportive din kami of Alden, sinasabi namin sa kanya, ‘O, we’re behind you,’ ganyan. And iyon, exciting, teamwork.” -- For the full story, visit PEP.ph