Sa programang "Mars," inamin ni Kapuso star Sanya Lopez na hindi niya maiwasan na ma-stress kapag gutom at may paraan siya para maalis ito nang hindi kumakain. Alamin sa video na ito kung papaano.
Samantala, si Mars host Camille Prats naman, aminadong naiinis sa mga taong sumisingit sa pila, kaya sinisita niya ang mga ito kahit nasa ibang bansa siya.
Ibinahagi rin ni Sanya na mabilis niyang inaalis sa isip ang masasamang bagay para madaling makapagpatawad at maka-move on." -- Jamil Santos/FRJ, GMA News
