Arestado sa buy bust operation ang dalawang lalaking sangkot umano sa iligal na droga sa Naic, Cavite.
Sa ulat ni Julee Anne Mae Cabrera sa Super Radyo's dzBB nitong Miyerkules, kinilala ang mga suspek na sina Erwin Bautista, 43, at Amado Katoto, 50.
Ayon sa pulisya, 6:30 ng gabi nang ikasa ang operasyon sa Barangay Malainen Bago.
Nakuha sa mga suspek ang apat na pakete ng hinihinalang shabu at P300 buy bust money.
Mahaharap sila sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. — Dona Magsino/BAP, GMA News
