Bukod sa pagpapatawa, may iba pang talento sina Super Tekla at Kim Domingo na hindi batid ng marami. Magtatambal ang dalawang Kapuso star sa pelikulang "Kiko En Lala."

Sa Star Bites report ni Nelson Canlas sa GMA News TV "Balitanghali" nitong Lunes, inihayag ni Tekla ang kaniyang hilig sa pag-impersonate o panggagaya.

Ayon kay Tekla, natutunan daw niya ang panggagaya noong nagtatrabaho raw siyang janitor. May pagkakataon pa nga raw na napapagalitan siya ng manager dahil maingay siya.

Isa mga ginagaya umano ni Teklsa ang international singer na si Celine Dion.

Samantala, inihayag naman ni Kim ang itinatago niyang galing sa gay lingo.

Natutunan daw niya ito dahil ito ang ginagamit nilang pagsasalita ng mga kasama niya sa bahay.

Panoorin ang video ang pag-sample ni Kim sa gay lingo.



--FRJ, GMA News