Dinaluhan ng mga Kapuso stars at dinagsa pa ng fans nitong Martes ang premiere night ng "Kiko En Lala," ang kauna-unahang pelikula ng komedyanteng si Super Tekla.

Full-force ang cast nito na kinabibilangan nina Derrick Monasterio, Kim Domingo, Kiray Celis, Jo Berry, Divine Tetay, at ni Super Tekla.

All out naman ang suporta ng mga Kapuso stars sa Kiko En Lala, na produced sa ilalim ng Backyard Productions ng GMA Pictures.

Mapapanood na ang Kiko En Lala ngayon sa mga sinehan. —Jamil Santos/LBG, GMA News