Kung sa abroad naisipan ng ilang celebrity na magpalipas ng Semana Santa, mayroon ding mga pinili na sa Pilipinas magnilay-nilay kapiling ang kanilang mga mahal sa buhay.
Sa Chika Minute report ni Cata Tibayan, sinabi ni Ken Chan na sabay-sabay na nagbi-Visita Iglesia ang kaniyang pamilya at nagsasalo-salo sa paborito nilang kakanin.
READ: Ilang Kapuso star, sa abroad ang trip habang pahinga sa trabaho
"Nagluluto muna kami ng kakanin. Mga suman, ginataang bilo-bilo, mga paborito ko 'yan," sabi ng aktor.
Si Rita Daniela naman, uuwi sa Sucat upang makapiling ang pamilya matapos ang ilang buwang subsob sa trabaho.
"I'll go back to my house sa Sucat. It has been work for the past four motnhs kaya family time talaga," saad niya.
Pinili rin ni "Dragon Lady" star Janine Gutierrez na dito sa Pilipinas magpahinga at magdasal ngayong Holy Week.
"Take time to reflect kung ano ang tunay na meaning ng Holy Week, pagpapasalamat kung anumang mayroon ka," ayon kay Janine.
Magbabakasyon naman sa Laguna si Edgar Allan Guzman para makasama sa taunang reunion ng kaniyang angkan.
Si Edgar din daw mismo ang punong-abala sa pag-aayos ng kanilang reunion.
"Kumpleto kaming lahat. Ang sarap ng feeling kasi minsan lang kami makompleto," aniya. --FRJ, GMA News
