Sa presscon ng bago niyang movie na Belle Douleur, inihayag ni Mylene Dizon na sumasagi na sa isip niya ang mag-retire sa showbiz. Ang mga anak ang isa sa mga idinahilan ng aktres pero kasama kaya rito ang pagpapakasal nila ng nobyong si Jason Webb? Alamin.
Ang Belle Douleur, ang isa sa 10 full-length films na nagtatagisan sa ongoing 15th Cinemalaya indie filmfest na idinirek ni Atty. Joji Alonso.
Pero bago niya gawin ang naturang pelikula, ilan buwan din siyang nabakante sa trabaho. Doon na umano niya naiisip na magpahanga na sa showbiz matapos na mapansin niyang lumalaki na ang kaniyang mga anak nang hindi niya madalas nakakasama.
“Nagulat lang ako, my son Tomas is already 13 years old.
“And I’m trying to remember how many times was I with him. How many times was
I’m not with him.
“I really was affected by that.
"And, I think," patuloy niya, "I put in 23 years in this industry, I can take a breather naman.
“I’m not being matapobre and saying I’ve had enough work anyway.
"It’s just I need to spend time with my family muna, maybe.
“It’s not final, but this is just me thinking of my crazy head.
"Like I said, this is me talking on top of all the traffic that I have to do.
“Basta, I think I’m going to slow down again. I have to focus on my family.”
Natawa si Mylene nang matanong kung kasama ba sa plano niyang retirement ang pagpapakasal nila ni Jason.
Mabilis niyang pagtutuwid, “No, no. Not that, it’s just the kids, my family, my partner.
"It’s not easy because they’re growing up and I’m missing out.
“Medyo tumodo talaga ako.”
Gumagawa ng movie project ngayon si Mylene kasama si Carmina Villarroel, ang Sunod, sa ilalim ng TEN17.
Nakasalang pa rin si Mylene sa Kapuso teleseryeng Sahaya na pinagbibidahan ni Bianca Umali.-- For the full story, visit PEP.ph
