Sa programang "Tunay Na Buhay," diretsahang sinagot ni Filipino-German hunk na si Clint Bondad ang mga maiinit na tanong. Kabilang dito ang tanong na ano ang gagawin niya kapag may nag-alok sa kaniya ng "indecent proposal."
Napag-alaman na lumaki sa Frankfurt, Germany si Clint, na Aleman ang ama at Pinay ang ina, na tubong Mountain Province.
"I always wanted to go out of Germany... I was very, I think stressed when I was growing up when I was a teenager, self-caused. But I just wanted to be my own self. Kasi I was very independent already early on," pag-amin ni Clint nang kausapin ng host ng programa na si Pia Arcangel.
Kaya nang makarating sa Pilipinas, hindi naman siya nahirapang magkaroon ng mga kaibigan.
"Wala naman. And before that, I was a loner. So hindi naman kailangan na palaging may kasamang kaibigan," saad ni Clint.
Kung hindi siya naging artista, sinabi ni Clint na posibleng Chemist siya ngayon.
Nang tanungin kung ano ang kaniyang sasabihin kapag may nag-alok sa kaniya ng "indecent proposal," natatawang pabirong sagot ng aktor, "I'll ask how much."
Lalo pang kilalanin si Clint sa video na ito ng "Tunay Na Buhay."
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--FRJ, GMA News
