Patay ang dalawa babae na basta na lang pinagbabaril habang kumakain sa tindahan na kanilang pinagtatrabahuhan sa Tacurong City, Sultan Kudarat nitong Martes ng gabi.
Sa ulat ng GMA News TV "Quick Response Team nitong Miyerkules, kinilala ang mga biktima na sina Nancy Moises at Charito Santiago.
Base sa imbestigasyon ng mga awtoridad, kumakain sa loob ng pinatatrabahuhan nilang fruit stand ang mga biktima nang pagbabarilin sila ng isang hindi pa nakikilalang salarin.
Ayon sa ilang tao na nasa lugar, anim na putok ng baril ang kanilang narinig na inakala nilang putok lang ng firecracker.
Nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo ang dalawa.
Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa krimen at kung sino ang salarin. --FRJ, GMA News
