Isang lalaki ang nahuli-cam na sinuntok ang isa pang lalaki sa pamilihan dahil sa panghihipo umano nito sa isang babaeng estudyante sa Bacolod City.
Sa ulat ng GMA Regional TV, na iniulat din sa Balitanghali nitong Biyernes, sinabi ng lalaking nanuntok na ikinagalit niya ang nakita niyang panghihipo umano ng lalaki sa babaeng estudyante na dumaan sa lugar.
Bukod sa estudyante, hinipuan din umano ng lalaki ang isa pang nagtitinda.
Hindi na umano nag-report ang mga biktima sa pulisya.
Hindi rin binanggit sa ulat ang panig ng lalaking sinapak kung may katotohanan ang alegasyon laban sa kaniya.
Siniguro naman ng barangay na tututukan nila ang insidente upang hindi na ito maulit. -- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News
