Sa kulungan ang bagsak ng dalawang lalaki matapos nilang pagnakawan ang isang resort at gahasain umano ang kahera nito sa Trece Martires, Cavite.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabing batay sa imbestigasyon, nagkunwaring mga customer ang mga suspek para makapasok sa resort sa Barangay De Ocampo.

Pagkarating nila sa lobby, dito na nanutok ng baril ang mga suspek at pinatay ang ilaw.

Tinagay nila ang halos P3,000 halaga ng pera sa kaha, dalawang cellphone at ilang construction equipment.

Matapos nito, dinala umano ng mga suspek ang kahera sa kusina at doon isinagawa umano ang panggagahasa.

Nagsagawa ng backtracking ang pulisya at nadakip ang dalawa na positibong kinilala ng biktima.

Hindi nagbigay ng pahayag ang mga suspek na mahaharap sa reklamong robbery with rape at illegal possession of firearms. —Jamil Santos/VBL GMA Integrated News