Nahuli-cam sa Palapag, Northern Samar ang mabilis na pagtakbo ng isang mister habang hinahabol siya ng kaniyang misis na may hawak ng itak.

Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Bisdak nitong Martes, sinabing nangyari ang insidente sa Barangay Maragano noong hapon ng December 12.

Sa nag-viral na video, makikita rin na dalawang lalaki ang nakasunod sa babae.

Nang abutan nila ang babae, inagaw nila ang itak na hawak nito at pinakalma.

Ayon sa nag-upload ng video, nag-away ang mag-asawa bago ang insidente pero hindi nila alam ang pinagmulan.

Upang hindi maulit ang insidente, napagdesisyunan umano na magpalamig o maghiwalay na muna ang mag-asawa.

Umuwi sa kaniyang mga magulang ang lalaki, habang nasa Catarman naman ang babae.– FRJ GMA Integrated News