Itinuturing ng Quezon City Police District na sarado na ang kaso sa nawawalang bride-to-be na si Sherra de Juan, matapos siyang matunton nang buhay sa Sison, Pangasinan.
Sa ulat ni Isa Umali sa Super Radyo dzBB nitong Lunes, sinabing 4:00 pm nang dumating ang mga awtoridad at ang pamilya ni De Juan sa lugar na kinaroroonan ni Sherra.
Ayon umano kay QCPD Public Information Officer chief Police Major Jennifer Ganaban, bagaman itinuturing nang sarado ang kaso ni Sherra, dadalhin pa rin siya sa himpilan ng pulisya para mahingan ng mga pahayag.
Hindi pa umano batid kung bakit biglang umalis si Sherra, ilang araw bago ang nakatakda niyang kasal kay Mark Arjay Reyes noong December 14.
Batay sa lumabas na mga ulat, nagpaalam lang noon si Sherra na bibili ng sapatos na gagamitin sa kasal.
???????????????????????? ????????!
— DZBB Super Radyo (@dzbb) December 29, 2025
Nakita at sinundo na ang missing bride-to-be sa Quezon City na si Sherra de Juan sa Sison, Pangasinan | via @Isa_Umali pic.twitter.com/Zo8OAPMrbV
Huli siyang nakita sa isang gasolinahan sa North Fairview, Quezon City noong December 10. —FRJ GMA Integrated News

