Binuweltahan ng Malacañang nitong Huwebes ang pahayag ni dating pangulong Rodrigo Duterte na “kinidnap” siya ng gobyerno ng Pilipinas sa gitna ng pagtanggi niyang dumalo sa mga pagdinig ng International Criminal Court (ICC) sa susunod na linggo.

“Alam naman natin kung anong ibig sabihin ng kidnapping,” sabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro sa panayam sa Unang Balita.

“Since nag-start na ang hearing doon, pinauubaya ng ating gobyerno through RA 9851 (Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide, and Other Crimes Against Humanity) ang pagdinig nang tuluyan ng kaso doon,” dagdag ni Castro.

Sinabi niyang sa ilalim ng Section 17 ng RA 9851, ipinapasa na ng mga awtoridad ng Pilipinas sa isang internasyonal na hukuman kung dinidinig o iniimbestigahan na roon ang isang kaso.

Idiniin pa ni Castro na ang mga reklamo laban kay Duterte ay isinampa ng mga mamamayang Pilipino, na nadamang hindi nila makakamit ang hustisya sa bansa.

Sa isang nilagdaang abiso na may petsang Pebrero 17, sinabi ng 80-anyos na si Duterte na hindi siya dadalo sa confirmation of charges hearings mula Pebrero 23 hanggang 27 dahil sa ilang kadahilanan – ngunit pangunahin ang hindi niya pagkilala sa hurisdiksyon sa kaniya ng ICC.

“I do not recognize the jurisdiction of the International Criminal Court over my person. I am a Filipino citizen forcibly pushed into a jet and renditioned to The Hague in the Netherlands in flagrant contravention of my country’s Constitution and of national sovereignty. My kidnapping was facilitated by the office of the incumbent President of the Philippines with a plane specially chartered for this purpose,” sabi niya.

Inalmahan din ni Castro ang mga mungkahi na maaaring magkaroon ng implikasyon ang deklarasyon ni Pangalawang Pangulong Sara Duterte ng pagtakbo sa pagkapangulo sa 2028, sa kaso ng kaniyang ama laban sa krimen laban sa sangkatauhan kaugnay ng kaniyang giyera sa droga.

Ngunit ipinunto ni Castro na maaaring gamitin ang pagtakbo ni Sara sa pagkapangulo para ilarawan na nahaharap sa politikal na pag-uusig ang kanilang pamilya.

“Most probably, maaari niya lang itong ginagamit sa ngayon para magtuloy-tuloy ang kanilang naratibo na ang pag-uusig sa kanya ay dahil lang sa pamumulitika,” ani Castro.

Sa isang hiwalay na pahayag, sinabi ni House Deputy Minority Leader Leila de Lima na ang pagtalikod at deklarasyon ni Duterte ay patunay na siya ay nasa matinong pag-iisip.

“Its legal effect is based on the premise that he understood the statement so as to affix his signature to it. It is evidence against [his lawyer Nicholas] Kaufman's own argument that Duterte is not fit to stand trial because he is supposedly unable to give instructions for his defense,” sabi ni De Lima, isang dating Justice secretary, na idinagdag na malinaw na ebidensiya ang pahayag na kayang ipagtanggol ni Duterte ang kaniyang sarili.

Sinabi pa niya na ang pahayag ay kapwa isang propaganda at legal na estratehiya dahil ipinakikita nito ang isang nagmamatigas na si Duterte, pero kasabay nito ang paghihikayat niya ng emosyon ng mga tao sa pagsasabing inaasahan na niyang mamamatay siya sa loob ng bilangguan.

“It is legal strategy because Duterte's appearance will not serve any positive purpose but might endanger his defense in case Kaufman is not able to control him before the ICC judges, as Duterte is famous for his outbursts in whatever venue regardless of the solemnity of the occasion,” dagdag ni De Lima.

Ang ganitong pagtalikod sa pagpapakita, ayon sa mambabatas, ay isang malinaw na pagtatangka na pigilan ang isang hindi mahulaang si Duterte, na minsang nang kumilos na tila handa siyang saktan sina De Lima at dating senador Antonio Trillanes IV sa isa sa mga imbestigasyon ng Kamara tungkol sa mga pagpatay sa digmaan laban sa droga sa 2024.

"This is more for the benefit of Kaufman than an authentic show of defiance. Duterte would have boasted that he implemented the drug war to save his country, rather than deny that any state-sponsored mass execution ever happened. He always boasted about killing and ordering the killing of drug war victims. His own past statements and admissions are the very evidence of his guilt of the crime against humanity he is charged with," sabi ni De Lima.

“For him to say now that he did not order killings is an act of outright contempt for all Filipinos who lived through the nightmare of his drug war. The statement reveals that up to now he cannot accept that human beings are subject to accountability for their actions, that the ICC is real, that there is such a higher power and authority that can put him on trial and hold him to account. The statement only reveals Duterte's pathological mindset—he still thinks, even when already in prison, that he is not beholden to any law or morality other than his own,” dagdag pa niya. —VBL GMA Integrated News