Inalmahan nina Jasmine Curtis-Smith at kaniyang inang si Carmen ang mga pahayag ni Quezon City 4th District Representative Bong Suntay tungkol kay Anne Curtis.

“This moment is not about one female celebrity. It is about how ALL WOMEN, regardless of profession, continue to be reduced to bodies in spaces dominated by men in power,” sabi ni Jasmine sa kaniyang pahayag sa Facebook.

“When a congressman publicly narrates his “desire” and imagination about a woman he once saw (or dreams he saw, idk his statements keep changing), it reinforces a culture that treats women as consumable, as spectacle, as fantasy, as objects for commentary rather than as whole human beings with agency, intellect, and autonomy,” pagpapatuloy ni Jasmine.

Sinabi ng Kapuso actress na responsibilidad ng mga opisyal na iangat ang antas ng diskurso, at hindi ibaba ito. Dagdag niya, magsilbi sanang daan ang gobyerno kung saan tinatalakay ang mga kababaihan dahil sa kanilang mga ambag, ideya at pamumuno, at hindi imahinasyon lamang.

“We cannot continue excusing this as ‘just being honest’ or ‘just a compliment.’ It is neither,” sabi niya. “Respect is not complicated. If we want safer environments for our daughters, nieces, and future leaders, accountability must begin with those elected to represent us.”

Sa hiwalay na post sa X, binatikos din ni Jasmine si Suntay, at kinuwestiyon ang depensa ng mambabatas na “compliment” lamang ang kaniyang sinabi tungkol kay Anne.

“Kadiri po kayo,” sabi niya.

Inihayag din ng ina nina Anne at Jasmine na si Carmen ang pagbatikos nito kay Suntay.

“Mr. Bong Suntay [you are a] sick man, I reckon!! [You're] foul!!” sabi ni Carmen.

Ni-repost din ni Carmen ang post ni Jasmine.

Nitong Martes, pinuna ng mga miyembro ng House committee on justice si Suntay nang ihayag nito ang kagustuhan niya kay Anne sa paglilitis sa mga nakabinbing reklamong impeachment laban kay Bise Presidente Sara Duterte.

“Alam niyo, minsan, minsan nasa Shangri-La ako. Nakita ko si Anne Curtis. Ang ganda-ganda pala niya. You know, may desire sa loob ko na nag-init talaga, na-imagine ko na lang kung ano’ng pwedeng mangyari, pero siyempre hanggang imagination na lang ‘yon. Pero ‘di naman siguro ako puwedeng kasuhan kung ano ang na-imagine ko eh,” sabi ni Suntay.

Hinikayat din ni Quezon City Mayor Joy Belmonte si Suntay na humingi ng paumanhin sa mga pahayag nito.

"We call on Congressman Suntay to take full accountability for his remarks, issue a proper apology, and conduct himself with the dignity that his office—and our city—demand. Our people deserve no less," sabi ni Belmonte.

—Jamil Santos/AOL GMA Integrated News