Patay ang isang negosyante matapos siyang pagbabarilin ng riding-in-tandem habang sakay ng kaniyang pickup sa Zamboanga City.
Sa ulat ng Balitanghali nitong Huwebes, sinabi ng pulisya na pauwi na ang negosyante kasama ang kaniyang misis galing sa isang mall at sakay ng kanilang pickup.
Hanggang sa bigla silang hinarang ng mga suspek sa MCLL Highway at saka binaril.
Nakaligtas ang asawa ng biktima sa pamamaril.
Patuloy ang pagkalap ng pulisya sa mga CCTV footage na posibleng makatulong sa imbestigasyon.
Inaalam din ang motibo sa krimen habang tinutugis ang mga suspek.—Jamil Santos/AOL GMA Integrated News
