Pinagbigyan ng Fifth Division ng Sandiganbayan ang mosyon o kahilingan ng Office of the Ombudsman na alisin si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan bilang isa sa mga akusado sa kasong plunder at graft na nakabinbin sa anti-graft court.

Sa botong 2-1, sinabi ng mga mahistrado ng Fifth Division na nasa ilalim ng “prosecutorial discretion” o pagpapasya ng tagausig kung sino ang gagamitin nitong testigo, ayon sa kopya ng desisyo na eksklusibong nakuha ng GMA News.

“... THE DECISION TO MOVE FOR THE DISCHARGE OF AN ACCUSED IS PART OF THE OMBUDSMAN’S PROSECUTORIAL DISCRETION OF WHO SHOULD BE USED AS A STATE WITNESS, TO BOLSTER THE SUCCESSFUL PROSECUTION OF CRIMINAL OFFENSES…. - SANDIGANBAYAN FIFTH DIVISION”

Kasamang akusado ni Bonoan si Senator Jinggoy Estrada at tatlo pang iba sa kaso. Sa kasong isinampa ng Ombudsman noong Mayo, inakusahan sila ng pagsasabwatan umano upang magkamal ng mahigit P500 milyon na kickback mula sa mga proyekto para sa flood control.

Pero noong Hunyo, hiniling ng Ombudsman sa Sandiganbayan na alisin si Bonoan sa kaso matapos sabihin ng dating kalihim na handa siyang makipagtulungan sa ahensiya.

Ayon sa Ombudsman, kinakailangan ang testimonya ni Bonoan upang mabunyag ang sistemang nasa likod ng umano’y kickback scheme sa mga maanomalyang proyekto tungkol sa flood control.

“... HIS COOPERATION WAS INDISPENSABLE TO ‘UNCOVER THE ARCHITECTURE THAT MAY HAVE SET THE ENTIRE MACHINERY IN MOTION.” - RESOLUSYON NG OMBUDSMAN NOONG JUNE 11, 2026))

Sinabi rin ng korte na binibigyan ng batas ng kapangyarihan ang Ombudsman na magbigay ng immunity o proteksyon laban sa pag-usig.

((FFX: “THE COURT IS LIKEWISE GUIDED BY THE FACT THAT THE OMBUDSMAN’S EXERCISE OF ITS POWER TO DIRECTLY GRANT IMMUNITY UNDER R.A. NO. 6770….”- SANDIGANBAYAN FIFTH DIVISION), It said.

Hindi pa sumasailalim sa arraignment o pagbasa ng sakdal laban kina Estrada, Bonoan, at iba pa sa Fifth Division ng Sandiganbayan dahil may mga mosyon pang nakabinbin.

Gayunman, itinakda ng korte ang Setyembre 3 para sa arraignment ni Estrada.

Sa isang pahayag, sinabi ni Estrada na iginagalang niya ang desisyon ng Sandiganbayan.

“I wish to emphasize that there remain legal remedies available to me under our judicial system, which my legal team will carefully study and pursue at the appropriate time,” anang senador.

“I Intend to avail myself of all remedies provided under our laws. This development does not end my legal recourse, and I will continue to place my trust in due process and the rule of law,” dagdag niya. — FRJ GMA News