Ipinagdadalamhati ng Department of Education (DepEd) ang pagkamatay ng dalawang estudyante sa gitna ng isang "fun run" sa Cauayan South Central School nitong Sabado.
"The Department of Education expresses its deepest sympathies to the families and school community mourning the tragic loss of two learners at Cauayan South Central School in Isabela," sabi ng DepEd sa isang pahayag nitong Sabado.
"DepEd is taking the necessary steps to establish the facts surrounding the incident and is coordinating with the local government and law enforcement authorities. A fact-finding investigation is underway, including a review of the activity, safety measures, equipment used, and the roles of those involved," dagdag nito.
Hiniling din nito sa publiko na "respect the privacy of the affected children and their families and to refrain from sharing unverified information, names, photographs, or videos."
Nakipag-ugnayan na ang GMA News sa Cauayan City Police Station para sa kumpirmasyon at mga inisyal na detalye sa insidente, ngunit wala pa itong natatanggap na tugon.
Sa isang update mula sa isang stringer ng GMA News, isang estudyante ang nananatili sa ospital at patuloy na inoobserbahan, habang nakalabas na ang isa pa matapos magamot.
Sinabi ng pulisya na ang mga biktima ay nasa isang lugar na puno ng mga bula nang may naiulat na electrical short circuit o grounding, na nagdulot ng pagkakuryente sa apat na bata.
Sinabi ng DepEd na "appropriate action will be taken based on the findings."
'Profound sadness'
Samantala, kinumpirma ng Schools Division Office na naganap ang insidente noong Oktubre 3, 2026, sa loob ng paaralan.
Sinabi ng division office na malapit na itong nakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan at mga kinauukulang ahensiya para magbigay ng tulong sa mga biktima ng insidente.
Sinabi nito na, kasama ang Cauayan South Central School, lubos na nakikipagtulungan ang division office sa imbestigasyon ng mga awtoridad sa nakamamatay na insidente.
Sa isang pahayag, ipinahayag ng Cauayan South Central School ang kanilang pagdadalamhati sa hindi inaasahang insidente sa loob ng kanilang paaralan.
“The entire family of Cauayan South Central School, together with the School Parent-Teacher Association Officers, expresses its profound sadness over the tragic loss following an unforeseen incident within the school premises. We extend our heartfelt condolences to the bereaved family, relatives, friends, and the entire school community during this difficult time,” sabi ng paaralan.
“... The school remains committed to the safety, welfare, and well-being of every learner. We recognize the importance of providing a caring, understanding, and supportive environment where learners feel valued, heard, and protected,” dagdag nito.
Hinimok ng Cauayan City Schools Division Office ang publiko na iwasan ang pag-espekulasyon at pagbabahagi ng mga hindi beripikadong impormasyon, at nanawagan sa lahat na iwasan ang pagbabahagi ng mga pangalan, litrato, video, o iba pang pagkakakilanlan ng mga biktima at kanilang mga pamilya bilang paggalang sa privacy ng mga mag-aaral na sangkot. — VBL GMA News

