Hawak pa rin ng property, retail at banking tycoon na si Henry Sy ang titulo bilang pinakamayamang Pinoy sa bansa, batay sa 2017 Rich List ng Forbes Philippines.

"His net worth has surged to $18 billion, up from $13.7 billion previously, making him the biggest gainer in dollar terms," ayon sa Forbes.

Pumangalawa naman kay Sy ang founder ng JG Summit na si John Gokongwei Jr., na may yamang $5.5 bilyon.

"Enrique Razon Jr. (No. 3, $4.3 billion), chairman of International Container Terminal Services, saw his wealth rise by $800 million from $3.5 billion last year," ayon sa Forbes.

"Seven of the ten biggest dollar gainers have sizable interests in construction and property development," sabi pa nito.

"These include construction tycoon David Consunji (No. 6, $3.68 billion), chairman of DMCI Holdings, and Ramon Ang (No. 10, $2.3 billion) of San Miguel, who nearly doubled his wealth due largely to a favorable IPO by his cement company, Eagle Cement," dagda ng Forbes.

Pasok din sa listahan ang 50 Filipino magnates kabilang ang GMA Network CEO at Chairman na si Felipe Gozon (41th). Bukod sa paglampas sa year-end target nito, pumatok din sa ratings ang broadcasting company sa unang anim na buwan ng 2017.

Sa pagsasara ng stock prices at exchange rates noong August 14, inihayag ng Forbes na pito sa sampung may pinakamalaking kinikita sa bansa ay may "sizable interests" sa construction, na inaasahang makikinabang sa plano ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pahusayin ang mga impraestruktura sa bansa.

Ayon sa Forbes, ang mabilis na paglago ng ekonomiya ng Pilipinas - halos 7% nitong taon - ay inaasahang magpapatuloy sa 2018, na papabor sa mga tycoon. --  Margaret Claire Layug/Jannielyn Bigtas/Jamil Santos/FRJ, GMA News