Inihayag ni Ashley Ortega na ipinagdadasal niya na si Mavy Legaspi na ang kaniyang magiging “last” na nobyo.
Sa guesting nina Ashley at co-star sa “Apoy Sa Langit” na si Pinky Amador, natanong ni Tito Boy si Ashley kung ano ang kaniyang magiging tugon kapag nagtanong na ng kasal si Mavy.
“Actually, Tita Boy, of course, I would want him to be my last. ‘Yun na rin naman, before ko siya sinagot, and before we even started dating, I told him, the guy I'm gonna start dating again should be the last guy na,” sabi ni Ashley.
Gayunman, sinabi ni Ashley na ayaw pa muna niyang magsalita nang tapos.
“But again, anything can happen din. Ayoko rin naman magsalita ng tapos. So, let's just see. I hope it's him. I hope and pray it's him,” saad ng aktres.
Para kay Ashley, mahirap na muling ma-heartbroken at mag-”back to zero,” kaya umaasa siyang sila ni Mavy sa huli.
Idinagdag niya na mas lumalim na ang relasyon nila ni Mavy.
“Actually, we've been together for more than a year already. And actually, parang 'yung relationship naming dalawa, it's like we've been together for like four or five years already. Sobrang familiar na namin sa isa't-isa. And parang tapos na rin 'yung honeymoon stage na from time to time, mag-update na tayo sa isa't-isa,” ayon sa aktres.
Kuwento ni Ashley, mas hinahayaan na niya si Mavy sa mga pinagkakaabalahan nito, hindi gaya noong nagsisimula pa lamang sila.
Binago ni Mavy
Inilahad ni Ashley na nabago siya ni Mavy, na mas bata sa kaniya. Taliwas ito sa mga nakarelasyon noon ni Ashley na mas matatanda sa kaniya.
“Noong hindi pa kami ni Mavy, siyempre 'yung mga gusto kong guys are way older than me. But he changed everything for me. And nagulat din ako na, ‘Shocks, nakuha mo rin pala 'yung heart ko.’ Ang galing niya.”
Para kay Ashley, mababaw lang din siyang tao.
“I think he got my heart by being consistent and by showing up. So, ‘yun lang, na-in love ako because he was always there. He would always show up. He shows up. And super ma-effort.”
Kuwento pa ng Sparkle star, mas napalapit pa siya sa mga magulang ni Mavy na sina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi, at Cassy na kakambal ni Mavy.
“I just love Cassy. Like, she's my sister already,” sabi niya.
“And kay Tita Carmina and Tito Zoren also, my relationship with them mas naging deeper na rin talaga. And talagang, sobrang light lang nila kasama, 'yung vibe nila. Nothing, anything. Yung strict na naramdaman, I never felt that. They're very welcoming,” patuloy niya.
Ayon pa kay Ashley, “bagets” ang vibes nina Carmina at Zoren.
Kinumpirma ni Ashley ang relasyon nila ni Mavy noong Pebrero 2025.
Napanonood si Ashley sa Kapuso Afternoon Prime series na “Apoy sa Dugo” kasama sina Elle Villanueva at Derrick Monasterio. – FRJ GMA Integrated News
