Pumatok ang diskarte ng isang fish vendor sa Ilocos Norte, na sa halip na sa palengke magtinda, sa highway siya naglalako ng mga malalaking isda at ang kustomer niya ay mga motorista.

Sa ulat ng "Unang Balita,"  agaw-pansin ang pagtitinda ng lalaki sa kalsada ng  Laoag City.

Bitbit ang panindang mga  malalaking isda na aabot sa apat na kilo ang bawat isa, sinasalubong ng tindero ang mga motorista at inaalok ng kanyang paninda.

Hindi niya alintana ang bigat ng mga malalaking isda, gaya ng tanige at tuna na nagkakahalaga ng P250 ang kada kilo.

Ayon sa tindero, galing pa umano siya sa Pagudpud.

Madaling naubos ang kanyang paninda. —LBG, GMA News